Hindi pabor ang halos 90% ng Pilipinong maamyendahan ang 1987 Constitution sa ngayon, ayon sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia noong Miyerkules (Marso 27).
Sa harapang panayam na ikinasa ngayong Marso, napag-alamang karamihan sa mga Pinoy ang hindi pabor sa 10 iminumungkahing pagbabago sa Saligang Batas:
pabor ngayon: 8%
hindi pabor ngayon: 88%
hindi pa alam: 4%
Dagdag pa rito, ang mga sumusunod na inimumungkahing pagbabago sa naturang Saligang Batas ay ntinutulan rin ng karamihan sa mga sumagot na mamamayang Pilipino:
pagpapahintulot sa dayuhang magmay-ari ng eskwelahan/pamantasan: 68%
pagpapahintulot sa dayuhang indibidwal o kumpanyang magkaroon ng "equity" sa media at advertising: 71%
pagpapahintulot sa dayuhang pagmamay-ari sa komunikasyon gaya ng cellphone o internet company: 71%
pagpapalit ng sistema mula unitary patungong pederal: 71%
pagpapahaba ng termino ng mga opisyal ng gobyerno: 73%
pagtatanggal ng restriksyon sa shares ng stocks na maaaring pagmay-arian ng dayuhan sa mga korporasyong Pilipino: 78%
pagpapalit ng sistema mula presidential patungong parliamentary: 71%
pagpapalit ng lehislatura mula bicameral patungong unicameral: 74%
pagpayag na magmay-ari ng bahay at lupain ang mga dayuhan: 81%
pagpapahintulot sa mga dayuhang gamitin ang likas-yaman ng Pilipinas: 86%